Sunday, September 1, 2013

From Calyx's Book

HALF-BLOOD MINISERIES

BOOK 2: CALYX AND MISS STEADFAST

Bata pa lang sina Rafa at Calyx ay batid na nila ang kasunduan ng mga ina nila na sila ang magpapakasal kapag dumating na ang tamang panahon. Rafa's fine with it. Why not? crush niya si Calyx mula pa noong highschool siya. Her simple admiration for him bloomed into something profound as years passed. She fell in love with him--truly, madly, deeply. Ang akala niya ay lubusan na nitong natanggap ang kapalaran nilang iyon pero hindi. Inamin sa kaniya ni Calyx na parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya at ang nararamdaman niya para rito ay simpleng atraksiyon lang.

"You were just blinded by my looks," he said. "Ang akala mo lang ay mahal mo ako."

"I'm old enough to differentiate the infatuation from love, Calyx. I'm in love with you since I was fifteen."

"Fifteen?" Calyx asked incredulously. "Ano'ng alam ng isang fifteen years old sa sa true love? Ni hindi ka pa nga tinutubuan ng boobs no'n." Pagkasabi niyon ay bumaba ang mga tingin nito sa dibdib niya.

Nag-init ang mga pisngi niya, lomobo ang mukha niya dahil sa magkahalong pagkabuwisit at pagkapahiya. Paano na namang nasali sa usapan nila ang premature niyang boobs?

"Kailangan bang tubuan muna ng boobs bago malaman ng isang babae na mahal niya ang isang lalaki?" defensive niyang tanong.

Umawang ang mga labi ni Calyx, saglit na dumaan ang kalituhan sa mukha nito. Kapagkuwan ay naihilamos nito ang mga palad sa mukha at tuwid siyang tinitigan sa mga mata. He even leaned at her and Rafa knew that he was trying to intimidate her. "Hindi iyon ang point ko rito, okay? You're not in love with me and I'm not going to marry you. All right?"

 "No!" matigas niyang sabi, kulang na lang ipadyak niya ang mga paa sa lupa. "Papatunyan ko sa'yo na mahal kita, papatunayan ko sa'yo na mali ka."

"Papatunayan ko sa'yo na tama ako."

"Fine then. Let's make a deal. Kapag tama ako, pakakasal ka sa akin. Kapag tama ka, lalayuan na kita. Hindi na ako magpapakita sa'yo. Ever." Umangat ang isang kilay ni Calyx, halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "I mean it. As in never, ever, ever, ever, ever, ever--"

"Fine, fine! Okay. Deal," sumusukong sabi nito. Maya-maya ay pumalatak ito at inilahad ang palad sa kaniya.

Tiningnan niya ang palad nito at umiling. "Ayoko ng shake hands. Gusto ko kiss." Pagkasabi niyon ay exaggerated niyang pinatulis ang nguso dahilan upang mapaatras si Calyx at bumangga ang likod nito sa steel gate. He looked revolted.

"Umayos ka nga, Rafaella. Umuwi ka na," pagtataboy nito sa kaniya habang kinakapa ng kamay nito ang kandado ng gate.

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid?"

"Ihahatid?" he asked again using his incredulous tone matching the incredulous look on his handsome face. "Ayan lang ang bahay mo sa tapat, oh!" Itinuro nito ang kulay light pink and brown na bungalow sa kabilang kalsada.

Inirapan niya ito at tinalikuran pero bago siya tumawid ay nilingon niya si Calyx at nag-flying kiss dito. "Bye, baby! One of these days, you'll be mine. I promise."

And then she crossed the road, swaying her hips flirtatiously, determined to keep her promise.





No comments:

Post a Comment