Sunday, September 1, 2013

From Calyx's Book

HALF-BLOOD MINISERIES

BOOK 2: CALYX AND MISS STEADFAST

Bata pa lang sina Rafa at Calyx ay batid na nila ang kasunduan ng mga ina nila na sila ang magpapakasal kapag dumating na ang tamang panahon. Rafa's fine with it. Why not? crush niya si Calyx mula pa noong highschool siya. Her simple admiration for him bloomed into something profound as years passed. She fell in love with him--truly, madly, deeply. Ang akala niya ay lubusan na nitong natanggap ang kapalaran nilang iyon pero hindi. Inamin sa kaniya ni Calyx na parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya at ang nararamdaman niya para rito ay simpleng atraksiyon lang.

"You were just blinded by my looks," he said. "Ang akala mo lang ay mahal mo ako."

"I'm old enough to differentiate the infatuation from love, Calyx. I'm in love with you since I was fifteen."

"Fifteen?" Calyx asked incredulously. "Ano'ng alam ng isang fifteen years old sa sa true love? Ni hindi ka pa nga tinutubuan ng boobs no'n." Pagkasabi niyon ay bumaba ang mga tingin nito sa dibdib niya.

Nag-init ang mga pisngi niya, lomobo ang mukha niya dahil sa magkahalong pagkabuwisit at pagkapahiya. Paano na namang nasali sa usapan nila ang premature niyang boobs?

"Kailangan bang tubuan muna ng boobs bago malaman ng isang babae na mahal niya ang isang lalaki?" defensive niyang tanong.

Umawang ang mga labi ni Calyx, saglit na dumaan ang kalituhan sa mukha nito. Kapagkuwan ay naihilamos nito ang mga palad sa mukha at tuwid siyang tinitigan sa mga mata. He even leaned at her and Rafa knew that he was trying to intimidate her. "Hindi iyon ang point ko rito, okay? You're not in love with me and I'm not going to marry you. All right?"

 "No!" matigas niyang sabi, kulang na lang ipadyak niya ang mga paa sa lupa. "Papatunyan ko sa'yo na mahal kita, papatunayan ko sa'yo na mali ka."

"Papatunayan ko sa'yo na tama ako."

"Fine then. Let's make a deal. Kapag tama ako, pakakasal ka sa akin. Kapag tama ka, lalayuan na kita. Hindi na ako magpapakita sa'yo. Ever." Umangat ang isang kilay ni Calyx, halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "I mean it. As in never, ever, ever, ever, ever, ever--"

"Fine, fine! Okay. Deal," sumusukong sabi nito. Maya-maya ay pumalatak ito at inilahad ang palad sa kaniya.

Tiningnan niya ang palad nito at umiling. "Ayoko ng shake hands. Gusto ko kiss." Pagkasabi niyon ay exaggerated niyang pinatulis ang nguso dahilan upang mapaatras si Calyx at bumangga ang likod nito sa steel gate. He looked revolted.

"Umayos ka nga, Rafaella. Umuwi ka na," pagtataboy nito sa kaniya habang kinakapa ng kamay nito ang kandado ng gate.

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid?"

"Ihahatid?" he asked again using his incredulous tone matching the incredulous look on his handsome face. "Ayan lang ang bahay mo sa tapat, oh!" Itinuro nito ang kulay light pink and brown na bungalow sa kabilang kalsada.

Inirapan niya ito at tinalikuran pero bago siya tumawid ay nilingon niya si Calyx at nag-flying kiss dito. "Bye, baby! One of these days, you'll be mine. I promise."

And then she crossed the road, swaying her hips flirtatiously, determined to keep her promise.





EXCERPT: HALF-BLOOD MINISERIES





By now, I expected that I'm done with the first book of my new miniseries. Imagine my frustration when I reviewed my journal entries and found out that it's already been a month since I started with this one. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin lately. The last time I checked my e-mail, February pa this year noong naka-receive ako ng "Feedback: Approved" from my editor. Sobrang bagal kong magsulat ngayon. The ideas are there--lurking on one side of my brain, waiting to be freed and transferred to a clean sheet of paper (or document)--but the drive to do it was missing. I'm no longer as enthusiastic in writing as before and I.Don't.Know.Why. and don't know how or where to find the "antidote" to cure this "dry spell" I'm suffering. *sigh*

anyway, let me introduce my next batch of babies. Parallel series ito ng Sisterets Club. Kung nabasa na ninyo ang book 4, I'm sure kilala ninyo kung sino ang Half-blood Band. Here they are:


BOOK 1: CLOUD AND FOXY ROXY



MULA SA SCREEN ng netbook computer niya ay napaangat ng mukha si Roxy nang makitang papalabas ng back door ang Half-blood band. Nasa kotse siya ni Cloud, ini-a-upload ang mga nakuha niyang pictures at videos kanina habang nagpe-perform ang mga ito. As expected, the bar was packed with customers that night, mostly girls younger than her. Nakita niya rin doon si Lulu Perez, isa sa mga writer na binigyan ni Yna ng assignment. She and Lulu shares the same wavelength pero hindi sila nito malapit sa isa’t isa. May pagka-snob kasi ito, ang tingin din nito sa kanila na co-writer nito sa The Sisters Magazine ay karibal.
            Nakita niya si Zach na may kaakbay na matangkad at balingkinitang babae. Napailing na lang siya nang hagkan nito ang babae sa mga labi. He was indeed a shameless flirt. Mabilis niyang isinara ang lid ng netbook niya nang makitang papalapit na sa sasakyan si Cloud. He looked annoyed and exhausted.
            Ngunit bago pa man ito makalapit nang tuluyan, isang grupo ng mga teenagers ang bigla na lang nag-materialize out of nowhere at kinuyog si Cloud habang nagtitilian. Ang isa sa mga ito ay daig pa ang tuko nang mangunyapit sa braso ni Cloud at isiksik ang mukha sa kilikili ng binata.
            “Hey!” nagpa-panic na sigaw ni Cloud, lumingon ito sa mga kasama.
            “Woah!” natatawang bulalas ni Ronan. Napahinto ang mga ito sa paghakbang.
            “Uh-oh! Takbo, mga ‘tol!” sigaw naman ni Calyx sabay sirit papasok sa pick-up ni Neo nang sumugod dito ang apat sa mga babae. Mabilis na sumunod sina Ronan at Neo habang si Zach ay hinila pa palapit ang kasamang babae nang makitang susugurin din ito ng mga fans.
            “Hand’s off, girls. I’ve already got myself a pair here.” Pagkasabi niyon ay iniangat nito ang mga kamay ng babaeng kasama na kung makangiti ay abot hanggang batok, ipinulupot ang mga iyon sa leeg nito bago muling hinagkan sa mga labi. Napaungol dala ng pagkadismaya at pagkasuya ang mga teenagers. Pinatakbo na ni Neo ang pick-up nito, nakita pa niyang sumilip si Calyx at Ronan sa bintana at kinawayan si Cloud.
            “So long, heartthrob!” sigaw ni Ronan na dinugtungan ng malakas na tawanan ng tatlo sa loob.
            “Assholes!” galit na sigaw ni Cloud sa papalayong pick-up truck.
            Ang babait namang kabigan ang mga ‘yon.
            “Get off me! Weggehen!” sigaw ni Cloud. Ngunit sa halip na magsilayo ay nagtilian pa ang mga ito na para bang nag-“I love you” si Cloud sa mga ito. Napatingin sa gawi niya si Cloud. “Help me here,” magkatagis ang mga ngipin na sabi nito.
            Doon na siya tila natauhan. Mabilis siyang bumaba sa kotse nang makitang halos matumba na ito sa semento sa kakataboy sa mga babae. Ipinasok niya sa bibig ang hintuturo at hinlalaki niya sabay ubod-lakas na sumipol. Napahinto sa pagtili ang mga bababe ngunit nanatili naman itong nakakapit kay Cloud habang nakatingin sa kaniya.
            Itinuro niya ang back door ng The Dazzle Bar. “Oh my God! Si Daniel Padilla! Si Daniel Padilla papalabas ng fire exit!”
            Kung gaano kabilis na kinuyog ng mga ito si Cloud, ganoon din kabilis na binitiwan ng mga ito ang boss niya. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa pinto at tumili nang makitang papalabas doon ang isang matangkad na lalaking may bitbit na trash bag, ang emo na bartender iyon ng bar.
            “Daniel! I love you, Daniel!”
            “Marry me, DJ! Ako’ng bahala sa gastos, sumipot ka lang!”
            “Papirma ako sa legs ko, DJ!” sigaw ng mga babae saka sumugod sa kinaroroonan ng nagulantang na bartender.
            Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para hilahin si Cloud papunta sa kotse sapagkat maging ito ay nakatingin din sa kinaroronan ng bartender. Mabilis niyang ini-start ang sasakyan at pinaharurot palayo. Sa tabi niya ay nagpakawala ng buntong-hininga si Cloud. Tiningnan niya ito mula sa sulok ng mga mata niya. He was huffing and puffing. Natanggal din sa pagkakabutones ang polo nito. He cursed under his breath and wiped the sweat off his forehead. Parang ganoong din ang naging tagpo noong unang beses na magkita sila.
            “Grabe, ganoon na ba ka-wild ang mga kabataan ngayon?” napapailing na tanong niya.           
            “Sino si Daniel Padilla?”tanong nito habang inilalagay sa dashboard ang hawak na drumsticks.
            “Siya ang nilalang na nagligtas sa’yo,” aniya. Inihinto niya ang sasakyan nang marating nila ang intersection. Ipinihit niya ang ulo paharap kay Cloud. “But of course you owe it all to me, boss.” Sinundan niya ng matamis na ngiti ang sinabi. Tumingin lang ito sa kaniya, pagkatapos ay bumaba sa mga labi niya ang mga tinging iyon. She knew he was staring at her pair of dimples that only appears whenever she’s smiling like that. Sabi ng kaibigan niyang si Cheska, next to her eyes, ang dimples niya ang asset niya.
             She saw Cloud’s jaws clenched, some strange emotion flitted across his eyes. Unti-unting napawi ang ngiti niya nang maramdaman ang pagkailang sa sitwasyon nila.       
            “Green light,” sabi nito, halos pabulong. Nang pumaypay sa mukha niya ang hininga nito, saka niya lang na-realize kung gaano kalapit ang distansiya nila sa isa’t isa. She cleared her throat and willed herself to focus. Pinatakbo na niya ang sasakyan, wala nang umimik sa kanila hanggang sa marating nila ang condominium building.

Monday, July 8, 2013

Hot Intruder: Reign


Ubos na ang pasensiya ko sa pag-customize pa lang ng blog. Sheez. I really hate customizing things. Wala akong tiyaga. Anyway, here's a little excerpt from my upcoming book under the imprint Hot Intruder. Hindi ko pa alam kung kailan ang release date, according to my editor, wala pa siya sa "line up"of release. Reign, by the way, was inspired by the Korean artist--surprise!-- Rain. I wrote this after I re-watched Full House (my fave Koreanovela ever!!!) and I fell in love with the Justin and Jessie love team once again.
~~~

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong ni Reign kay Ceress. Isang pilyong ngiti ang ginawa nito nang mapatingin sa likuran niya, alam niya na ang kama ang tinitingnan nito at alam niya kung ano ang tumatakbo sa mahalay nitong isipan.

“Intruders aren’t allowed here.” Hinila niya ang dahon ng pinto hanggang sa tumama ang gilid niyon sa katawan niya at maikubli ang loob ng silid mula sa mga mata ng kaharap.

“Bakit ba ang suplada mo? Wala naman akong ginagawa sa’yo.”

Isang mapaklang tawa ang pinakawalan niya. “Kung iisa-isahin ko sa iyo ang mga ginawa mo magmula noong nasa elementary pa lang tayo, aabutin tayo ng another sixteen years bago ako matatapos,” she said and crossed her arms over her chest, hoping that by doing so, Reign will be intimidated and go away but he didn’t. Sa halip, ginaya nito ang ginawa niya, isinandig pa nito ang balikat sa door frame kaya halos bumangga ang katawan nito sa kaniya. Um-isang hakbang siya paatras at nanghahamon na itinaas ang mukha, pilit itinatago ang katotohanan na naiilang siyang kaharap ito.

“Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin nakakalimutan ang nangyari sa Serenity Hotel? Mga bata pa tayo no’n, what do you expect from kids? Normal lang na magbiro nang ganoon.”

Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng karanasang iyon, you moron.

“You were old enough that time to know the difference between the right and the wrong,” sarkastikong turan ni Ceress. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Having that kind of conversation was pointless. Sa paniniwala ni Reign ay walang mali sa ginawa nito dati. End of the story. “Ano’ng kailangan mo? Answer me right away, okay? May gagawin pa ako.”

“Iyong sapatos na suot ko kanina.”

“Itinapon ko na.”

Umawang ang mga labi nito. May ibinulong ito sa sarili pagkatapos ay naiiling na isinuklay ang mga daliri sa buhok--a gesture she find seductive.

“I need those shoes in a couple of hours, bakit mo itinapon?” iritado nitong tanong.

“Dahil pakalat-kalat lang dito sa kuwarto.”

“You brat,” tila nanggigigil nitong sabi matapos ang ilang saglit. Walang paalam na tinalikuran siya nito at tinungo ang gawi ng elevator.

Isinara niya ang pinto, kinuha ang sapatos na hinahanap nito. Nang muli siyang sumilip sa labas ay nakita niyang nakatayo na ito sa harap ng elevator, hawak ang cellphone.

“Psst, singkit-pikit!” tawag ni Ceress dito.

Agad naman itong lumingon at itinuro ang sarili.

“Ako?”

“May iba ka pa bang nakikitang singkit sa paligid?” pambabara niya rito pagkatapos ay inihagis ang sapatos sa gitna ng hallway. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Reign nang makita ang mga iyon.

“You little liar,” anitong nagsimulang maglakad pabalik.

“I was about to throw that away but I can see that it’s expensive—hindi bagay sa mga paa mo.” Mapakla siyang ngumiti, ganoon din ang ginawa ni Reign nang huminto sa tapat ng sapatos. “Tell me, kailan ka pa lumadlad?”

“Lumadlad?”

“Kailan ka pa naging miyembro ng ikatlong lahi?”

“What?” naguguluhan nitong tanong.

Oh God, he’s useless. But then naalala niya na matagal nga pala itong nawala sa bansa kaya’t hindi nito alam ang mga ganoong klase ng expression.

“Kailan mo pa na-realized na mahilig ka pala sa mga ganiyang uri ng sapatos? High-heels, kumikintab, parang sapatos ni Cinderella…”

Mas lumalim ang kunot ng noo ni Reign. Yumukod ito at dinampot ang mga sapatos, nang dahil sa ginawa nitong iyon ay tumabing ang buhok nito sa mukha nito at muli ay hinawi nito iyon pataas. Sa paningin niya ay parang slow motion nang mag-angat ito ng mukha at amused na ngumiti sa kaniya. His eyes seemed like sparkling in a way that made her heartbeat leaped. Darn, bakit kaya hindi ito nag-model o nag-artista.

“I got what you’re trying to point out, sweetie,” he said in a sweet, teasing voice that made the hairs on her nape stood. Mas lalo siyang nanghilakbot nang magsimula itong lumapit at huminto sa tapat niya. “Kung gahasain kaya kita ngayon, iisipin mo pa rin kaya na miyembro ako ng ‘ikatlong lahi’?” He made a quoting gesture in the air.

“Eh kung ihambalos ko kaya sa bungo mo ang takong ng hawak mong sapatos?”

“Don’t. Sayang naman itong kaguwapuhan ko kung hindi mo mapapakinabangan.” Hinimas pa nito ang baba at itinaas ang isang kilay.

“Arrogant jerk,” sikmat niya rito.