Sunday, September 1, 2013

EXCERPT: HALF-BLOOD MINISERIES





By now, I expected that I'm done with the first book of my new miniseries. Imagine my frustration when I reviewed my journal entries and found out that it's already been a month since I started with this one. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin lately. The last time I checked my e-mail, February pa this year noong naka-receive ako ng "Feedback: Approved" from my editor. Sobrang bagal kong magsulat ngayon. The ideas are there--lurking on one side of my brain, waiting to be freed and transferred to a clean sheet of paper (or document)--but the drive to do it was missing. I'm no longer as enthusiastic in writing as before and I.Don't.Know.Why. and don't know how or where to find the "antidote" to cure this "dry spell" I'm suffering. *sigh*

anyway, let me introduce my next batch of babies. Parallel series ito ng Sisterets Club. Kung nabasa na ninyo ang book 4, I'm sure kilala ninyo kung sino ang Half-blood Band. Here they are:


BOOK 1: CLOUD AND FOXY ROXY



MULA SA SCREEN ng netbook computer niya ay napaangat ng mukha si Roxy nang makitang papalabas ng back door ang Half-blood band. Nasa kotse siya ni Cloud, ini-a-upload ang mga nakuha niyang pictures at videos kanina habang nagpe-perform ang mga ito. As expected, the bar was packed with customers that night, mostly girls younger than her. Nakita niya rin doon si Lulu Perez, isa sa mga writer na binigyan ni Yna ng assignment. She and Lulu shares the same wavelength pero hindi sila nito malapit sa isa’t isa. May pagka-snob kasi ito, ang tingin din nito sa kanila na co-writer nito sa The Sisters Magazine ay karibal.
            Nakita niya si Zach na may kaakbay na matangkad at balingkinitang babae. Napailing na lang siya nang hagkan nito ang babae sa mga labi. He was indeed a shameless flirt. Mabilis niyang isinara ang lid ng netbook niya nang makitang papalapit na sa sasakyan si Cloud. He looked annoyed and exhausted.
            Ngunit bago pa man ito makalapit nang tuluyan, isang grupo ng mga teenagers ang bigla na lang nag-materialize out of nowhere at kinuyog si Cloud habang nagtitilian. Ang isa sa mga ito ay daig pa ang tuko nang mangunyapit sa braso ni Cloud at isiksik ang mukha sa kilikili ng binata.
            “Hey!” nagpa-panic na sigaw ni Cloud, lumingon ito sa mga kasama.
            “Woah!” natatawang bulalas ni Ronan. Napahinto ang mga ito sa paghakbang.
            “Uh-oh! Takbo, mga ‘tol!” sigaw naman ni Calyx sabay sirit papasok sa pick-up ni Neo nang sumugod dito ang apat sa mga babae. Mabilis na sumunod sina Ronan at Neo habang si Zach ay hinila pa palapit ang kasamang babae nang makitang susugurin din ito ng mga fans.
            “Hand’s off, girls. I’ve already got myself a pair here.” Pagkasabi niyon ay iniangat nito ang mga kamay ng babaeng kasama na kung makangiti ay abot hanggang batok, ipinulupot ang mga iyon sa leeg nito bago muling hinagkan sa mga labi. Napaungol dala ng pagkadismaya at pagkasuya ang mga teenagers. Pinatakbo na ni Neo ang pick-up nito, nakita pa niyang sumilip si Calyx at Ronan sa bintana at kinawayan si Cloud.
            “So long, heartthrob!” sigaw ni Ronan na dinugtungan ng malakas na tawanan ng tatlo sa loob.
            “Assholes!” galit na sigaw ni Cloud sa papalayong pick-up truck.
            Ang babait namang kabigan ang mga ‘yon.
            “Get off me! Weggehen!” sigaw ni Cloud. Ngunit sa halip na magsilayo ay nagtilian pa ang mga ito na para bang nag-“I love you” si Cloud sa mga ito. Napatingin sa gawi niya si Cloud. “Help me here,” magkatagis ang mga ngipin na sabi nito.
            Doon na siya tila natauhan. Mabilis siyang bumaba sa kotse nang makitang halos matumba na ito sa semento sa kakataboy sa mga babae. Ipinasok niya sa bibig ang hintuturo at hinlalaki niya sabay ubod-lakas na sumipol. Napahinto sa pagtili ang mga bababe ngunit nanatili naman itong nakakapit kay Cloud habang nakatingin sa kaniya.
            Itinuro niya ang back door ng The Dazzle Bar. “Oh my God! Si Daniel Padilla! Si Daniel Padilla papalabas ng fire exit!”
            Kung gaano kabilis na kinuyog ng mga ito si Cloud, ganoon din kabilis na binitiwan ng mga ito ang boss niya. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa pinto at tumili nang makitang papalabas doon ang isang matangkad na lalaking may bitbit na trash bag, ang emo na bartender iyon ng bar.
            “Daniel! I love you, Daniel!”
            “Marry me, DJ! Ako’ng bahala sa gastos, sumipot ka lang!”
            “Papirma ako sa legs ko, DJ!” sigaw ng mga babae saka sumugod sa kinaroroonan ng nagulantang na bartender.
            Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para hilahin si Cloud papunta sa kotse sapagkat maging ito ay nakatingin din sa kinaroronan ng bartender. Mabilis niyang ini-start ang sasakyan at pinaharurot palayo. Sa tabi niya ay nagpakawala ng buntong-hininga si Cloud. Tiningnan niya ito mula sa sulok ng mga mata niya. He was huffing and puffing. Natanggal din sa pagkakabutones ang polo nito. He cursed under his breath and wiped the sweat off his forehead. Parang ganoong din ang naging tagpo noong unang beses na magkita sila.
            “Grabe, ganoon na ba ka-wild ang mga kabataan ngayon?” napapailing na tanong niya.           
            “Sino si Daniel Padilla?”tanong nito habang inilalagay sa dashboard ang hawak na drumsticks.
            “Siya ang nilalang na nagligtas sa’yo,” aniya. Inihinto niya ang sasakyan nang marating nila ang intersection. Ipinihit niya ang ulo paharap kay Cloud. “But of course you owe it all to me, boss.” Sinundan niya ng matamis na ngiti ang sinabi. Tumingin lang ito sa kaniya, pagkatapos ay bumaba sa mga labi niya ang mga tinging iyon. She knew he was staring at her pair of dimples that only appears whenever she’s smiling like that. Sabi ng kaibigan niyang si Cheska, next to her eyes, ang dimples niya ang asset niya.
             She saw Cloud’s jaws clenched, some strange emotion flitted across his eyes. Unti-unting napawi ang ngiti niya nang maramdaman ang pagkailang sa sitwasyon nila.       
            “Green light,” sabi nito, halos pabulong. Nang pumaypay sa mukha niya ang hininga nito, saka niya lang na-realize kung gaano kalapit ang distansiya nila sa isa’t isa. She cleared her throat and willed herself to focus. Pinatakbo na niya ang sasakyan, wala nang umimik sa kanila hanggang sa marating nila ang condominium building.

No comments:

Post a Comment