Monday, July 8, 2013

Hot Intruder: Reign


Ubos na ang pasensiya ko sa pag-customize pa lang ng blog. Sheez. I really hate customizing things. Wala akong tiyaga. Anyway, here's a little excerpt from my upcoming book under the imprint Hot Intruder. Hindi ko pa alam kung kailan ang release date, according to my editor, wala pa siya sa "line up"of release. Reign, by the way, was inspired by the Korean artist--surprise!-- Rain. I wrote this after I re-watched Full House (my fave Koreanovela ever!!!) and I fell in love with the Justin and Jessie love team once again.
~~~

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong ni Reign kay Ceress. Isang pilyong ngiti ang ginawa nito nang mapatingin sa likuran niya, alam niya na ang kama ang tinitingnan nito at alam niya kung ano ang tumatakbo sa mahalay nitong isipan.

“Intruders aren’t allowed here.” Hinila niya ang dahon ng pinto hanggang sa tumama ang gilid niyon sa katawan niya at maikubli ang loob ng silid mula sa mga mata ng kaharap.

“Bakit ba ang suplada mo? Wala naman akong ginagawa sa’yo.”

Isang mapaklang tawa ang pinakawalan niya. “Kung iisa-isahin ko sa iyo ang mga ginawa mo magmula noong nasa elementary pa lang tayo, aabutin tayo ng another sixteen years bago ako matatapos,” she said and crossed her arms over her chest, hoping that by doing so, Reign will be intimidated and go away but he didn’t. Sa halip, ginaya nito ang ginawa niya, isinandig pa nito ang balikat sa door frame kaya halos bumangga ang katawan nito sa kaniya. Um-isang hakbang siya paatras at nanghahamon na itinaas ang mukha, pilit itinatago ang katotohanan na naiilang siyang kaharap ito.

“Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin nakakalimutan ang nangyari sa Serenity Hotel? Mga bata pa tayo no’n, what do you expect from kids? Normal lang na magbiro nang ganoon.”

Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng karanasang iyon, you moron.

“You were old enough that time to know the difference between the right and the wrong,” sarkastikong turan ni Ceress. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Having that kind of conversation was pointless. Sa paniniwala ni Reign ay walang mali sa ginawa nito dati. End of the story. “Ano’ng kailangan mo? Answer me right away, okay? May gagawin pa ako.”

“Iyong sapatos na suot ko kanina.”

“Itinapon ko na.”

Umawang ang mga labi nito. May ibinulong ito sa sarili pagkatapos ay naiiling na isinuklay ang mga daliri sa buhok--a gesture she find seductive.

“I need those shoes in a couple of hours, bakit mo itinapon?” iritado nitong tanong.

“Dahil pakalat-kalat lang dito sa kuwarto.”

“You brat,” tila nanggigigil nitong sabi matapos ang ilang saglit. Walang paalam na tinalikuran siya nito at tinungo ang gawi ng elevator.

Isinara niya ang pinto, kinuha ang sapatos na hinahanap nito. Nang muli siyang sumilip sa labas ay nakita niyang nakatayo na ito sa harap ng elevator, hawak ang cellphone.

“Psst, singkit-pikit!” tawag ni Ceress dito.

Agad naman itong lumingon at itinuro ang sarili.

“Ako?”

“May iba ka pa bang nakikitang singkit sa paligid?” pambabara niya rito pagkatapos ay inihagis ang sapatos sa gitna ng hallway. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Reign nang makita ang mga iyon.

“You little liar,” anitong nagsimulang maglakad pabalik.

“I was about to throw that away but I can see that it’s expensive—hindi bagay sa mga paa mo.” Mapakla siyang ngumiti, ganoon din ang ginawa ni Reign nang huminto sa tapat ng sapatos. “Tell me, kailan ka pa lumadlad?”

“Lumadlad?”

“Kailan ka pa naging miyembro ng ikatlong lahi?”

“What?” naguguluhan nitong tanong.

Oh God, he’s useless. But then naalala niya na matagal nga pala itong nawala sa bansa kaya’t hindi nito alam ang mga ganoong klase ng expression.

“Kailan mo pa na-realized na mahilig ka pala sa mga ganiyang uri ng sapatos? High-heels, kumikintab, parang sapatos ni Cinderella…”

Mas lumalim ang kunot ng noo ni Reign. Yumukod ito at dinampot ang mga sapatos, nang dahil sa ginawa nitong iyon ay tumabing ang buhok nito sa mukha nito at muli ay hinawi nito iyon pataas. Sa paningin niya ay parang slow motion nang mag-angat ito ng mukha at amused na ngumiti sa kaniya. His eyes seemed like sparkling in a way that made her heartbeat leaped. Darn, bakit kaya hindi ito nag-model o nag-artista.

“I got what you’re trying to point out, sweetie,” he said in a sweet, teasing voice that made the hairs on her nape stood. Mas lalo siyang nanghilakbot nang magsimula itong lumapit at huminto sa tapat niya. “Kung gahasain kaya kita ngayon, iisipin mo pa rin kaya na miyembro ako ng ‘ikatlong lahi’?” He made a quoting gesture in the air.

“Eh kung ihambalos ko kaya sa bungo mo ang takong ng hawak mong sapatos?”

“Don’t. Sayang naman itong kaguwapuhan ko kung hindi mo mapapakinabangan.” Hinimas pa nito ang baba at itinaas ang isang kilay.

“Arrogant jerk,” sikmat niya rito.